Tumama ang Tropical Depression Agaton sa kalupaan ng Basey, Samar.
Sa abiso ng PAGASA bandang 5:00, Lunes ng hapon (April 11), huling namataan ang sentro ng bagyo sa bisinidad ng Basey, Samar dakong 4:00 ng hapon.
Napanatili nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 60 kilometers per hour.
Halos hindi pa rin umuusad ang naturang bagyo.
Bunsod nito, nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 sa mga sumusunod na lugar:
LUZON:
– Southern portion ng Masbate (Dimasalang, Palanas, Cataingan, Pio V. Corpuz, Esperanza, Placer, Cawayan)
VISAYAS:
– Eastern Samar, Samar, Northern Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, northeastern portion ng Cebu (Daanbantayan, San Remigio, Medellin, City of Bogo, Tabogon, Borbon, Sogod, Catmon, Carmen, Danao City, Compostela, Liloan) kasama ang Camotes Island, at eastern portion ng Bohol (Getafe, Talibon, Bien Unido, Trinidad, Ubay, San Miguel, Pres. Carlos P. Garcia, Mabini)
MINDANAO:
– Surigao del Norte at Dinagat Islands
Sinabi ng PAGASA na magdadala pa rin ang bagyo ng katamataman hanggang sa mabigat na buhos ng pag-ulan sa Sorsogon, Masbate, Romblon, Biliran, Leyte, Southern Leyte, northern at central portions ng Cebu kasama ang Bantayan at Camotes Islands, Aklan, Capiz, Iloilo, Antique, Guimaras, at northern at central portions ng Negros provinces.
Mahina hanggang katamtamang pag-ulan naman ang iiral sa Dinagat Islands, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Marinduque, Quezon, at nalalabing parte ng Bicol Region at Visayas.
Sinabi pa ng weather bureau na mananatili ang bagyo bilang tropical depression.
Sa araw ng Lunes hanggang Martes ng hapon, April 12, inaasahang dahan-dahang iikot ang bagyo sa binisidad ng northeastern portion ng Leyte at southern portions ng Samar at Eastern Samar bago umabot sa Philippine Sea sa Martes ng gabi.