Pilipinas, nakapagtala ng 1,906 na bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na linggo

Nakapagtala ng 1,906 na bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa nakalipas na isang linggo.

Sa COVID-19 case bulletin ng Department of Health (DOH) hanggang April 11, 2022, base ito sa naitalang datos simula April 4 hanggang April 10, 2022.

Mas mababa ito ng 29 porsyento kumpara sa mga napaulat na kaso ng nakahahawang sakit noong March 28 hanggang April 3.

Nasa 272 naman ang daily average cases.

Samantala, walang bagong severe and critical cases habang 428 naman ang pumanaw sa nakalipas na linggo.

Lumabas din sa datos na nasa 16.4 porsyento ang non-ICU bed utilization, kung saan 4,045 sa 24,689 non-ICU beds ang gamit.

18.4 porsyento naman ang ICU bed utilization, kung saan 542 sa 2,951 ICU beds ang gamit.

Nasa 707 naman ang severe and critical admissions, o 12.6 porsyento ng kabuuang COVID-19 admissions.

Read more...