Inihayag ni Vice President Leni Robredo na nakikipag-ugnayan ang kaniyang tanggapan sa mga lokal na pamahalaan upang makapagpadala ng tulong sa mga lugar na sinalanta ng Tropical Depression Agaton.
“Tuloy-tuloy ang coordination natin with LGUs regarding #AgatonPH para makapagdala na agad ng tulong sa mga apektadong lugar ng TY Agaton,” saad ni Robredo sa Twitter.
Parating na aniya ang ipinadalang tubig sa Baybay, Leyte.
Target din aniyang maipamahagi ang relief packs sa mga residenteng apektado ng bagyo sa Abuyog, Leyte at Sogod, Southern Leyte sa Lunes ng hapon.
“We have been coordinating with volunteers since yesterday,” dagdag ni Robredo.
Nagpasalamat naman ang bise presidente sa lahat ng volunteers na tumulong sa paghahatid ng mga pangangailangan ng mga tinamaan ng bagyo.
Sa ngayon, nakataas pa sa Signal no. 1 ang ilang bayan sa bansa dahil sa Bagyong Agaton.