NPC nakipag-alyansa na sa PDP-Laban

Inquirer Photo / MJ Cayabyab
Inquirer Photo / MJ Cayabyab

Lumagda sa isang support of agreement ang Nationalist People’s Coalition (NPC) na ikalawa sa pinakamalaking political party sa bansa para sa pakikipag-alyansa sa Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

Dumalo sa seremonya na idinaos sa Makati Diamond Residences ang matataas na lider ng dalawang partido.

Sa kaniyang speech, sinabi ni NPC President Isabela Rep. Giorgidi Aggabao, tinitiyak ng partido ang suporta sa legislative agenda ni incoming president Rodrigo Duterte.

Sinabi rin ni Aggabao na susuportahan din nila si incoming Davao del Norte Rep. Pantaleon “Bebot” Alvarez oara maging susunod na House Speaker sa kamara.

Ang NPC ay mayroong 44 na miyembro sa 17th Congress, habang ang PDP-Laban ay mayroon namang tatlong incoming representatives.

Una nang binanggit ni Duterte na isa sa pangunahin niyang legislative agenda ay ang pagpapatupad muli ng death penalty sa bansa at ang pag-amyenda sa 1987 Constitution./ Dona Dominguez-Cargullo

Read more...