Duterte team nasa Maynila para makipagpulong sa mga opisyal ng Malakanyang

FB Photo/Peter Lavina
FB Photo/Peter Lavina

Bumiyahe patungo dito sa Maynila ang team ni presumptive president-elect Rodrigo Duterte para makipagpulong sa mga opisyal sa Malakanyang.

Ayon kay Peter Laviña, tagapagsalita ni Duterte, ang four-man team ay makikipagpulong hinggil sa presidential protocols.

Magsasagawa din umano ng initial ocular inspection ang grupo at tatanggap ng briefing mula sa Palace Protocol Office.

Hindi naman pinangalanan ni Laviña kung sino ang mga magtutungo sa Malakanyang./ Dona Dominguez-Cargullo

Read more...