Oil price rollback, ipatutupad sa April 12

Radyo Inquirer On-Line photo

Abiso sa mga motorista.

Sa ikatlong pagkakataon sa taong 2022, magpapatupad ng price rollback sa mga produktong petrolyo.

Batay sa anunsiyo ng Caltex, Cleanfuel, Jetti, Petro Gazz, Seaoil, at Shell, may kaltas na P0.35 sa kada litro ng diesel habang P1.00 naman ang ibabawas sa kada litro ng gasolina.

Magkakaroon din ng rollback na P3.00 sa bawat litro ng kerosene ng Caltex, Seaoil, at Shell.

Mauunang ipatupad ang oil price increase sa Caltex bandang 12:01, Martes ng madaling-araw (April 11).

Magiging epektibo naman ang oil price adjustment ng Jetti, Petro Gazz, Seaoil, at Shell bandang 6:00, Martes ng umaga.

Samantala, dakong 8:01, Martes ng umaga magsisimulang mabago ang presyo ng mga produktong petrolyo ng Cleanfuel.

Asahang mag-aanunsiyo na rin ang iba pang oil companies ng kanilang oil price adjustment.

Read more...