Patuloy na nakatutok ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga stranded na pasahero sa mga pantalan.
Bunsod pa rin ito ng Tropical Depression Agaton.
Sa maritime safety advisory mula 4:00 ng madaling-araw hanggang 8:00 ng umaga (April 11), stranded ang 3,049 na pasahero, drivers at cargo helpers sa mga pantalan sa Eastern Visayas, Bicol, North Eastern Mindanao, Central Visayas, at Western Visayas region.
Maliban dito, stranded din ang 35 vessels, isang motorbanca, at 1,547 rolling cargoes.
Ayon sa PCG, nasa moderate to rough ang sea condition sa Eastern Visayas, North Eastern Mindanao, at Bicol Region.
Patuloy naman ang 24/7 nationwide monitoring ng PCG Operations Center para sa istriktong implementasyon ng guidelines sa galaw ng mga sasakyang-pandagat.
Nakaalerto rin ang Coast Guard Districts, Stations, at Sub-Stations across sa bansa sakaling magkaroon ng emergency situations, katuwang ang Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC).