Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 499,199,210 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 82,062,989 cases.
Sumunod na rito ang India na may 43,036,132 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 30,152,402 naman ang kaso sa Brazil habang 26,947,375 ang napaulat na kaso sa France.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Germany – 22,679,247
– United Kingdom – 21,549,830
– Russia – 17,996,060
– South Korea – 15,424,598
– Italy – 15,292,048
– Turkey – 14,958,974
– Spain – 11,627,487
– Vietnam – 10,198,236
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 6,203,372 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 448,760,477 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.