Agaton nanghina, ilang lugar nasa ilalim ng Signal No. 1

Bahagyang humina ang bagyong Agaton at halos nanatili sa San Pablo Bay, base sa 11 am update ng PAGASA.

Ang sentro ng bagyo ay tinatayang nasa hilaga-silangan ng Tanauan, Leyte at may lakas na hagin na 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugso na umaabot sa 60 kilometro kada oras.

Kasalukuyang nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa;

LUZON:

Timog bahagi ng Masbate (Dimasalang, Palanas, Cataingan, Pio V. Corpuz, Esperanza, Placer, Cawayan)

VISAYAS:

Eastern Samar, Samar, Northern Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte; sa hilaga-silangan ng Cebu (Daanbantayan, San Remigio, Medellin, City of Bogo, Tabogon, Borbon, Sogod, Catmon, Carmen, Danao City, Compostela, Liloan) kabilang ang Camotes Island, at silangan bahagi ng Bohol (Getafe, Talibon, Bien Unido, Trinidad, Ubay, San Miguel, Pres. Carlos P. Garcia, Mabini)

MINDANAO:

Surigao del Norte at Dinagat Islands

Maaring makaranas ngayon ng malakas na pag-ulan ang Sorsogon, Masbate, Romblon, Biliran, Leyte, Southern Leyte, ang hilaga at gitnang bahagi ng Cebu kasama ang Bantayan at Camotes Islands, ang hilagang bahagi ng  Negros Oriental at Negros Occidental, Aklan, Capiz, Iloilo, Antique, Guimaras.

Samantalang, mahiha hanggang sa katamtamang pag-ulan naman ang mararanasan sa Dinagat Islands, Oriental Mindoro, Marinduque, Quezon, at natitirang bahagi ng Bicol Region and Visayas.

Read more...