Magsusulong si Senator Christopher Go ng isang bersyon ng panukala na magtatapos sa kontraktuwalisasyon sa mga manggagawa sa bansa.
Sinabi ni Go ang kanyang panukala ay pagbabalanse sa interes ng mga negosyante at pangangailangan ng mga manggagawa.
Ayon sa senador napilitan si Pangulong Duterte na i-veto ang ipinasa ng Kongreso na ‘Anti-Endo Bill’ noong 2019 dahil hindi masyadong malinaw ang kahulugan ng ‘illegal labor-contracting.’
Dadag pa ni Go, ang naging hakbang ni Pangulong Duterte ay base sa ginawang pagkokonsulta nito sa mga konsiderasyon at pagsusuri na ginawa ng mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno.
Aniya handa siyang maghain o suportahan ang panukala na isasama o itatama ang mga nais ng Malakanyang.
Sinabi pa ng senador na sa Executive Order No. 51 ni Pangulong Duterte noong 2018 ipinagbawal na nito ang contracting o sub-contracting kung lalabagin ang security of tenure, collective bargaining, self organization ng mga kawani.