Nasa number 2 spot pa rin si House Deputy Speaker at Antique Rep. Loren Legarda sa Pulse Asia survey para sa mga tumatakbo sa pagka-senador.
Nakapagtala ang three-term senator ng 98 porsyentong awareness habang 58.3 porsyento ng 2,400 respondents ang bumoto sa mambabatas.
Isinagawa ang naturang survey ng Pulse Asia noong March 17 hanggang 21, 2022.
Nagpasalamat naman si Legarda sa suporta at tiwala ng publiko.
Kasabay nito, siniguro ng mambabatas na handa siyang ipagpatuloy ang mahusay at malinis na serbisyo-publiko.
Kumpara sa ibang senatorial bets na nakapasok sa survey, si Legarda ang may pinakamaraming batas na naipasa sa loob ng tatlong termino bilang senador.
Matatandaang si Legarda ang author ng 10 environmental laws, tulad ng Ecological Solid Waste Management Law, Clean Air Act, Clean Water Act, Renewable Energy Law, at Climate Change Act.