Ayon kay Acting Environment Secretary Jim Sampulna, ang mga miyembro ng NWRB Technical Working Group in the Management of Water Supply ng Angat Dam ay mahigpit na binabantayan ang water elevation ng dam upang maiwasan ang isang water crisis lalo na sa panahon ng tagtuyo o dry season.
“Through the NWRB, we have already laid down preventive measures such as cloud seeding so that the public, especially those in Metro Manila, is assured of a steady water supply with the ongoing COVID-19 pandemic,” ayon kay Sampulna.
Noong Abril 7, 2022, ang water elevation sa reservoir ay tumaas ng bahagya sa 194.15 meters mula sa pinakamababang elevation sa taon na 190.63 meters noong Abril 4, 2022.
Ang pagtaas ay dahil na rin sa shear line or tail-end of a cold front at low pressure area sa rehiyon ng Mindanao.
Ang malawakang pag-ulan na naranasan sa malaking bahagi ng Luzon ay inaasahang magpapataas pa ng lebel ng tubig sa Angat Dam sanhi ng “inflows from runoff water.”
Ayon sa latest rainfall forecast at Angat Dam water level simulation, the pinakamababang lebel ng tubig sa dam ay aabot sa 183.98 meters sa Hunyo. Dahil dito, maaaring hindi aabot sa nakatakdang minimum operating water level na 180 meters.