Hindi pa rin inaalis ng PAGASA ang posibilidad na maging bagyo ang low pressure area sa Silangang bahagi ng Southern Luzon at Eastern Visayas.
Ayon kay PAGASA Weather Specialist Raymond Ordinario, huling namataan ang LPA sa layong 185 kilometers East Northeast ng Surigao City bandang 3:00 ng hapon.
Patuloy namang umiiral ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa bahagi ng Visayas at Mindanao.
Samantala, lumakas pa ang tropical storm na may international name na “Malakas” na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Huling namataan ang bagyo sa layong 2,215 kilometers Silangan ng Mindanao.
Ani Ordinario, posibleng pumasok ang bagyo sa teritoryo ng bansa sa Lunes Santo (April 11) o Martes Santo (April 12).
READ NEXT
Comelec reso ukol sa exemption ng fuel subsidy distribution sa election spending ban, hinihintay pa
MOST READ
LATEST STORIES