Comelec reso ukol sa exemption ng fuel subsidy distribution sa election spending ban, hinihintay pa

Hinihintay pa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang official copy ng resolusyon mula sa Commission on Elections (Comelec) na nagsasabing exempted sa election spending ban ang pamamahagi ng fuel subsidy sa nga drayber at operators.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni
LTFRB executive director Tina Cassion na natunghayan lamang nila sa balita ang desisyon ng Comelec.

Nakahanda naman aniya ang LTFRB na agad na ipamahagi ang ayuda kapag mayroon nang kopya ng resolusyon.

Paliwanag ni Cassion, hindi nila mai-download ang pera sa Landbank hanggat walang kopya ng resolusyon dahil tiyak na makukwestyun ang kanilang hanay ng Commission on Audit (COA).

Inanunsyo ng Comelec noong Miyerkules na inaprubahan ng kanilang hanay na gawing exempted sa spending ban ang pamamahagi ng P2.5-billion fuel subsidy program para sa public utility vehicle (PUV) operators at drayber.

Pero itinigil ito ng LTFRB dahil sa spending ban.

Nasa P6,500 ang matatanggap na ayuda ng mga kwalipikadong drayber at operator.

Read more...