Kaso ng COVID-19 sa mundo, sumampa na sa higit 496.54 milyon

Reuters photo

Pumalo na sa 496.54 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 496,549,028 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 81,988,278 cases.

Sumunod na rito ang India na may 43,032,752 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 30,094,388 naman ang kaso sa Brazil habang 26,549,263 ang napaulat na kaso sa France.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Germany – 22,364,607
– United Kingdom – 21,508,546
– Russia – 17,955,120
– Italy – 15,106,066
– South Korea – 14,983,694
– Turkey – 14,939,259
– Spain – 11,578,653
– Vietnam – 10,070,692

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 6,195,441 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 432,035,139 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...