P600 milyong halaga ng mga pekeng sapatos, motorcycle accessories, nasabat ng BOC

 

Aabot sa P600 milyong halaga ng smuggled goods ang nakumpiska ng Bureau of Customs sa Kawit, Cavite.

Ayon sa BOC, sinalakay ng kanilang hanay ang isang warehouse sa Toclong-San Sebastian Road sa Kawit kung saan natunton ang mga smuggled goods.

Kabilang sa mga nakumpiska ang mga pekeng sapatos na may brand na Nike, Adidas, at Gucci, mga motorcycle accessories at iba pa.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang BOC para makasuhan ang may-ari ng mga smuggled goods.

 

Read more...