Hindi mag-aatubili si Pangulong Rodrigo Duterte na ipatigil ang e-sabong sa bansa.
Ito ay kung mapatutunayang isinasangla na ng mga sabungero ang kanilang mga personal na gamit para lamang may maipang-pusta.
Sa talumpati ng Pangulo sa Las Piñas City, sinabi nito na agad niyang ipatitigil ang e-sabong kung totoo ang mga bali-balita.
“Ang problema ganito, I have heard that itong — kailangan sabihin ko ito eh. Alam mo let me — give me the patience, mga about 10 minutes. Itong mga ito nagpupusta lahat, nagsasangla na para magpusta. Iyon ang sabi ng tagalabas. Now if it is true, then hihintuin ko ‘yan. Masigurado ninyo before I go, I will stop it kung totoo. But I have to sacrifice, I said, the billions that we would have earned kung nandiyan ‘yan,” pahayag ng Pangulo.
Babalewalain na lamang ng Pangulo ang 640 milyong kita kada buwan dahil sa e-sabong.
“You know in e-sabong — baka nagduda kayo, I don’t know anybody there. It’s a transaction by PAGCOR. Pinayagan ko lang ‘yan — I have the ultimate word on it because it gives us 340 million a month. Kailangan ko ang pera for those expenses na wala sa budget, hindi mo makuha sa budget so you need money from the outside sources. Kung nasa budget ‘yung kailangan well and good. But if not, then there is nothing that the secretary can do. Eh ito lang ang budget binigay, ito ‘yung the purposes for which the money will be spent,” dagdag ng Pangulo.
Aminado ang Pangulo na problemado ang pamahalaan sa paghahanap ng pondo dahil sa pandemya sa COVID-19.
Naubos na aniya ang contigncy fund at intelligence fund ng pamahalaan dahil sa pandemya.
Una rito, nanawagan na ang mga senador kay pangulong duterte na itigil na ang operasyon ng e-sabong sa bansa matapos maiulat na nasa 30 sabungero na ang nawawala.
Pero ayon sa pangulo, hindi niya ihihintonang oeprasyon ng e-sabong dahil kailangan ng gobyerno ng pera para ipangtustos sa mga programa.