OFW centers, dapat itayo sa mga major cities ayon kay Pangulong Duterte

Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na maitatayo sa mga major cities sa bansa ang Overseas Filipino Workers Centers.

 

Ito ay para mas maraming overseas Filipino workers ang matulungan.

 

Sa talumpati ng Pangulo sa groundbreaking ceremony ng OFW Center sa Las Piñas City, sinabi nito na dapat na magkaroon ng OFW center sa ibat-ibang lugar para hindi na bumiyahe ang mga OFW.

 

Nababahala rin ang Pangulo sa mga OFW na naiipit ngayon sa gulo sa pagitan ng Russia at Ukraine pati na sa Middle East at Afghanistan.

 

 

Read more...