Patuloy na binabantayan ang low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon kay PAGASA Weather Specialist Raymond Ordinario, huling namataan ang LPA sa layong 180 kilometers East Northeast ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Nakapaloob ang LPA sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na nakakaapekto sa Visayas at Mindanao.
May tsansa na lumakas ang LPA at maging bagyo.
Samantala, tinututukan din ng weather bureau ang bagyo sa labas ng teritoryo ng bansa.
Huling namataan ang sentro ng Tropical Depression sa layong 2,415 kilometers Silangan ng Mindanao.
Ani Ordinario, maliit ang tsansa na pumasok sa PAR ang naturang bagyo.
Gayunman, patuloy aniya itong babantayan para sa magiging lagay ng panahon sa Semana Santa.