Magnitude 4.3 na lindol, tumama sa Davao Occidental

Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol sa Davao Occidental, Huwebes ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 21 kilometers Southeast ng Don Marcelino bandang 5:52 ng gabi.

May lalim ang lindol na 154 kilometers at tectonic ang origin.

Bunsod nito, naitala ang instrumental intensity 1 sa General Santos City.

Wala namang napaulat na pinsala sa nasabing lugar.

Wala ring naitalang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...