Mga smuggled na agricultural products, sinira ng BOC

BOC photo

Sinira ng Bureau of Customs (BOC) – Port of Subic ang 14×40 containers ng iba’t ibang agricultural products tulad ng sibuyas, carrots, isda, at iba pang seafood.

Dumating ang kargamento noong December 2020, at June at December 2021.

Nakumpiska ang mga kargamento ng Port of Subic dahil sa paglabag sa ilang Department of Agriculture Administrative Orders at Circulars, Section 1400 (misdeclaration), Section 1113 (f) ng Republic Act No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Aabot sa P101,134,900 ang kabuuang halaga ng kargamento.

Naka-consign ang kargamento sa Zhenpin Consumer Goods Trading, Gingarnion Agri Trading, at Schnell Wert OPC.

Sinira ang mga kargamento sa pamamagitan ng rendering, shredding, dumping, at thermal decomposition ng isang accredited facility ng Greenleaf 88 Non-hazardous Waste Disposal sa Pampanga.

Read more...