Ayon kay acting Presidential spokesman Martin Andanar, bahagi lamang ng election campaign rhetoric ang ginagawa ni Lacson.
Sa naunang pahayag ni Lacson na mahirap na dalhing legasiya ang pagkakaroon ng malaking utang.
Ayon kay Lacson, nasa P5.9 trilyon ang utang ng Pilipinas noong panahon ni dating Pangulong Benigno Aquino III at lumobo sa P12.09 trilyon sa panahon ni Pangulong Duterte.
“Be that as it may, President Rodrigo Roa Duterte has already addressed this issue saying that there is a need for government borrowing to finance the Administration’s programs and projects,” pahayag ni Andanar.
“What is important, the Chief Executive underscored, is there are no irregularities in government spending,” dagdag ng kalihim.