Isang pulis, naka-recover na sa COVID-19

Patuloy ang pagbaba ng mga pulis na positibo sa COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Base sa tala ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Huwebs (April 7), walang pulis n bagong tinamaan ng nakahahawang sakit.

Dahil dito, nasa 48,861 pa rin ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Ngunit sa nasabing bilang, dalawa pa ang aktibong kaso.

Samantala, isang pulis naman ang gumaling sa nakakahawang sakit, kung kayat nasa 48,730 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito, 129 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...