Jobless Pinoys dumami noong Pebrero

Dumami noong nakaraang Pebrero ang bilang ng mga Filipino na walang trabaho, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa nasabing panahon, ayon kay National Chief Statistician Dennis Mapa, marami ang naghanap ng trabaho ngunit nabigo dahil limitado pa rin ang bilang ng mga nagbukas na negosyo dahil sa protocols at restrictions.

Noong Pebrero, dagdag pa ni Mapa, dumami ang naghanap ng mapapasukan, 1.94 milyon, mula sa 1.16 milyon sa buwan na sinundan.

Ibinahagi na na noong Pebrero, 3.13 milyon ang walang trabaho sa bansa para sa unemployment rate na 6.4 porsiyento.

Mataas ito sa 2.93 milyon na naitalang walang trabaho noong Enero.

Ngunit mababa naman ito 4.19 milyon noong Pebrero 2021.

Pinakambaba pa rin maituturing ang 6.4% unemployment rate sa pinakamataas a 17.6% o 7.3 milyon noong Abril 2020.

Read more...