Hindi na tinitingnan ni PROMDI presidential candidate Senador Manny Pacquiao ang resulta ng mga survey.
Pahayag ito ni Pacquiao matapos lumabas sa pinakabagong survey ng Pulse Asia na nasa ikaapat na puwesto lamang si Pacquiao na may anim na porsyento.
Nabawasan pa ito ng dalawang porsyento kumpara sa mga naunang survey.
Ayon kay Pacquiao, naka-focus ang kanyang atensyon na maabot ang mga botante, lalo na ang mga mahihirap na mamamayan.
“Hindi ako nakatingin sa survey ngayon. Ang focus ko iyong mga taong maabot ko iyong mga mahihirap. Iyong D at E class,” pahayag ni Pacquiao.
Sinabi pa ni Pacquiao na lalo niyang pagsusumikapan ang pangangampanya lalo’t isang buwan na lamang bago ang eleksyon sa Mayo 9.
Palakasan na lamang aniya ng loob ang labanan ngayon.
Narito ang bahagi ng pahayag ng senador:
WATCH: Presidential candidate Manny Pacquiao shrugs off Pulse survey, pins hope on Class D and E. @radyoinqonline @inquirerdotnet pic.twitter.com/Qd3VB8G8gz
— chonayuINQ (@chonayu1) April 6, 2022