DILG, pinuri ang Saludo sa Serbisyo ng Ayala Corp. para sa mga bumbero ng BFP

PCOO photo

Pinuri ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Ayala Group of Companies para sa pagbibigay ng pagkilala sa sakripisyo ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Sa pamamagitan ng Saludo sa Serbisyo program, layon ng naturang kumpanya na makatulong upang mapagbuti ang pamumuhay ng mga tauhan ng ahensya.

Kasunod ng pagpirma sa Memorandum of Understanding (MOU) sa Saludo sa Serbisyo program, nagpasalamat si DILG Secretary Eduardo Año kay Ayala Corporation President and Chief Executive Officer, Fernando Zobel de Ayala at sa buong kinatawan ng kumpanya.

“On behalf of a grateful nation and an appreciative government, I could not express enough how thankful we are in the service for your commitment to ease the burden and address the plight of our protectors,” pahayag ng kalihim.

Dagdag nito, “With this tremendous support and encouragement that you all have shown our uniformed personnel, there is indeed no reason for them to fail in carrying out their sworn duty to the Republic and to the Filipino people.”

Makatutulong aniya ang naturang programa upang mapalakas ang morale at magbigay ng inspirasyon sa pagtupad sa tungkulin sa bayan.

Sa ilalim ng Saludo sa Serbisyo program, maaring makapag-avail ang BFP personnel ng livelihood training program ng Ayala, health and wellness programs, special discount sa iba’t ibang produkto at serbisyo ng kumpanya, at maging ang employment opportunities sa mga retirado at kanilang dependents.

Ani Año, ang naturang kasunduan ay isang, “resounding testament to the great things and impactful actions that we can do when we are in unity.”

Ipinag-utos naman ng kalihim kay BFP Chief Louie Puracan na umasiste sa pagkalat ng impormasyon ukol sa Saludo sa Serbisyo Program sa kanilang hanay.

Mahigpit din aniyang makikipag-ugnayan ang BFP sa Ayala Corp. para sa implementasyon ng naturang programa.

Read more...