Appointment Atty. Panelo, pinalagan

 

Inquirer file photo

Nangangamba ang mga mamamahayag mula sa Mindanao pati na ang mga kaanak ng mga biktima ng Maguindanao massacre sa pagta-talaga ni presumptive President Rodrigo Duterte kay Atty. Salvador Panelo sa kaniyang Gabinete.

Una nang inanunsyo ni Duterte na si Panelo ang posibleng italaga niya bilang press secretary o presidential spokesman.

Dahil dito, nanawagan ang mga mamamahayag at mga kaanak ng mga biktima ng Maguindanao massacre kay Duterte na pag-isipan nang maigi ang kaniyang pagta-talaga kay Panelo.

Ganito ang kanilang mga reaksyon dahil si Panelo ay dating abogado ng mga Ampatuan na itinuturong mga masterminds ng nasabing pinakamadugong election related violence sa kasaysayan.

Magkasamang nag-labas ng panawagan ang dalawang ma-impluwensyang press corps sa Central Mindanao, ang Kampilan Press Corps at ang Autonomous Region in Muslim Mindanao Police Press Club, na humihimok rin sa iba nilang mga kasamahan na makiisa sa kanilang layunin.

Ayon sa anak ng isang nasawing reporter sa massacre na si Mayhang Reblando-Zainal, isang insulto sa kanila ang pagkakatalaga sa Malacañang ng abogado ng kanilang kalaban.

Ayon naman sa pahayag ni Mary Grace Morales ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), hindi sila komportable sa pag-pili ni Duterte kay Panelo.

Bagaman nag-withdraw na si Panelo bilang counsel ni Andal Ampatuan Jr. noong nakaraang taon, hindi nila nagustuhan ang posibleng appointment kay Panelo.

Kaya hinimok rin nila ang papasok na administrasyon na huwag payagang mahadlangan ng mga political considerations ang pagbibigay ng hustisya sa mga biktima.

Read more...