‘Dinaya ako’-Osmeña

 

Inquirer file photo

Naniniwala si Sen. Sergio Osmeñana nadaya siya sa nakaraang halalan kaya’t hindi ito nakalusot sa Magic 12 senators na ipinroklama na kahapon.

Ayon kay Osmeña, nagkaroon ng malawakang dayaan noong nakaraang botohan sa local level kung saan naging talamak ang vote buying at vote shaving sa kanyang boto.

Kahina-hinala aniyang noong mga nakaraang survey, ay lagi siyang pasok sa magic 12 ngunit kalaunan ay nalaglag at naunahan pa ng ilang mga bagitong kandidato.

Paniniwala pa ng mambabatas, may kinalaman ang ilan pang mga tauhan ni dating Comelec Commssioner Virgilio Garcillano ng ‘Hello Garci’ scandal na nanunungkulan pa sa poll body sa kanyang pagkatalo.

Inamin din ni Osmeña na may ilang malapit kay Garcillano ang nag-alok sa kanya na ipapanalo sa botohan kapalit ng P10 hanggang P20 pesos bawat boto na ilalamang nito sa kalaban bagamat hindi niya ito tinanggap.

Gayunman, sa kabila ng pangyayari aniya, ay kanya nang tinanggap na hindi na siya magiging bahagi ng 17th Congress.

 

Read more...