Sa Davao City magsi-Semana Santa si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay acting Presidential spokesman Martin Andanar, sa mga nakaraang taon, palaging sa bahay sa Davao City nananatili ang Pangulo kapag Semana Santa.
“I would like to believe that the President will stay in Davao City as usual. Ang mga nakaraang taon ay doon lamang siya sa kanyang tahanan sa Davao City,” pahayag ni Andanar.
Idineklara ng Malakanyang na regular holidays ang Abril 14 o Huwebes Santo, Abril 15 o Biyernes Santo at Abril 16 o Sabado de Gloria bilang special non-working day.
MOST READ
LATEST STORIES