Anim na pulis-Caloocan na sangkot umano sa pagnanakaw, tinanggal na sa puwesto

Tinanggal na sa serbisyo ang anim na pulis-Caloocan na sangkot umano sa insidente ng pagnanakaw.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), layon nitong matiyak na magiging patas ang isinasagawang imbestigasyon.

“The six personnel tagged in the alleged Robbery case in Caloocan City were immediately relieved from their posts to ensure a fair and impartial investigation. They are now in restrictive custody,” saad nito.

Nanawagan din ang pambansang pulisya sa nagpakilalang biktima na makipag-ugnayan sa mga awtoridad upang maging mabilis ang pagtakbo ng kaso.

“The affected DEU personnel will undergo the usual process of adjudication to ferret out the truth,” pahayag nito.

Dagdag ng PNP, “Kumakalap na ng ebidensya ang Internal Affairs Service determining their possible administrative liabilities.”

Read more...