Kandidatura ni Sen. Risa Hontiveros umarangkada sa riders’ group

Nakakuha ng karagdagang suporta sa kanyang kandidatura si reelectionist Senator Risa Hontiveros mula sa Angkas, isang grupo ng motorcycle taxi drivers.

“Nagpapasalamat ako sa suporta ng ating mga magigiting na Kuya at Ate Angkas. Ito ang magiging inspirasyon ko sa patuloy na pagsusulong inyong kapakanan at karapatan. Sisiguraduhin nating hindi kayo maiiwan sa ride na ito,” pangako ni Hontiveros sa Angkas Safety Fiesta event.

Nangako din ito na sa pagbabalik niya sa Senado ay isusulong niya ang Motorcycle Taxi law at ang pagtataguyod ng kapakanan ng mga riders, gayundin ang proteksyon sa kanilang mga karapatan.

“Dapat din masiguro na ligtas kayo habang naghahanapbuhay. Road safety is key. Suportado natin ang paglalagay ng speed limit sa matataong kalsada at mas maigting na implementasuon ng programa ukol sa road safety,” dagdag pa ni Hontiveros sa harap ng halos 1,000 Angkas riders.

Ipinangako din niya na kikilos siya para mabawasan ang mga bayarin sa trainings ng mga riders sa pagkuha ng lisensiya gayundin sa motor vehicle inspection system.

Read more...