Pacman ipinangakong pupunuin ng mga korap ang ‘mega prison’

Hindi mapuputol ang korapsyon sa gobyerno kung hindi maipapakulong ang mga tiwaling opisyal at kawani.

Ito ang paniniwala ni PROMDI presidential candidate Manny Pacquiao kayat ipinangako niya na pupunuin niya ng mga tiwali sa gobyerno ang isang ‘mega prison.’

Naniniwala si Pacquiao na hindi mawawala ang korapsyon maliban na lamang kung may mga napaparusahan.

Sinabi nito, base sa kanyang obserbasyon lumalala kada taon ang katiwalian sa gobyern at kada taon ay P700 bilyon ang nasasayang dahil sa mga maling gawain ng mga nagbibigay serbisyo-publiko.

“Imposible na mabawasan ang mga magnanakaw kung walang nakukulong. Pero kung nagnakaw at nakulong agad eh wala nang maghahangad magnakaw at maglakas loob na magnakaw,” diin pa nito.

Aniya ang lubos na naghihirap dahil sa mga katiwalian ay ang mahihirap na mamamayan ng bansa.

Read more...