Ngayon kaliwat-kanan na ang pagtitipon ng maraming tao dahil sa pangangampaniya ng mga kandidato, nagbilin sa publiko si Senator Christopher Go na patuloy na istriktong sumunod sa minimum health protocols.
Kasabay nito ang kanyang apila sa mga kandidato na bigyan prayoridad ang kalusugan at kaligtasan ng kanilang mga tagasuporta.
“Delikado pa rin hanggang hindi pa natin nalalampasan ang pandemya,” paalala pa ni Go.
Napakahalaga aniya na nakikipagtulungan at sumusunod ang lahat sa bilin ng mga kinauukulan upang maiwasan ang hawaan ng COVID 19.
Kailangan aniya na matuto at makasanayan na ng mamamayan ang ligtas na pamumuhay sa gitna nang nagpapatuloy na pandemya.
“Patuloy lang po tayong makiisa sa pamahalaan, magmalasakit sa kapwa at makipagbayanihan sa isa’t-isa,” sabi pa ni Go.