Pangulong Duterte sinabing sakto lang ang biniling COVID 19 vaccines

Nilinaw ni Pangulong Duterte na tama lang sa bilang ang biniling COVID 19 vaccines ng kanyang gobyerno.

Aniya marami lamang talagang Filipino ang ayaw pang magpaturok ng proteksyon laban sa nakakamatay na sakit.

Sinabi ito ng Punong Ehekutibo base sa pag-aakala ng publiko na sobra-sobra ang biniling bakuna kayat milyon-milyong doses ang nalalapit nang mag-expire.

Doble-kayod na aniya ngayon ang mga kinauukulang ahensiya sa pagbabakuna sa mga maaring maturukan upang hindi naman masayang ang mga biniling bakuna.

Ito, ayon kay Pangulong Duterte, upang hindi masayang ang mga bakuna, na binili sa pamamagitan ng pag-utang sa mga institusyong pang-pinansiyal.

Read more...