Abu Sayyaf hostage, pinalaya

 

Inquirer file photo

Pinalaya na ng bandidong Abu Sayyaf Group ang isa sa mga bihag nito

Sa impormasyon mula sa AFP, pinalaya ang 21-anyos na si Rian Tan Nuñez sa bisinidad ng Cawa-cawa Blvd. Zambo City kahapon.

Naibalik na umano sa pamilya ang binatilyo kagabi at ngayon ay nasa Lapuyan, Zambo Del Sur na at nagpapahinga.

Sinasabing binihag si Nunez at lolo na si Antonio Tan sa Sulu ng bandidong ASG sa pangunguna ng grupo ni Alhabsy Misaya.

Samantala, nananatiling nasa kamay pa rin ng mga bandido ang lolo ng pinalayang biktima na si Antonio.

Wala pang impormasyon ang mga otoridad kung nagkaroon ng bayaran ng ransom sa pagpapalaya sa biktima.

Read more...