2 patay, 5 sugatan sa kidlat sa Negros

 

Dalawa ang patay samantalang nasa lima pa ang nasaktan makaraang tamaan ng kidlat ang mga ito sa gitna ng isang bukid sa Cadiz, City Negros Occidental, Huwebes.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Cadiz City, nakilala ang mga biktimang sina Willy Barredo, 38, at Jovie Humawan, 27, pawang mga sakada o mag-aani ng tubo o sugarcane.

Nakilala naman ang mga nasaktan na dinala sa pagamutan na sina Mark Humawan Sopuesca, 17, Cristobal Magbanua, 31, John Ray Silverio, 19, Silverio Valiente Lubrico, 43 at Jeffrey Lubrico, 23.

Sa salaysay ng mga biktima, kasalukuyan silang nag-aani ng tubo o sugarcane sa bukirin sa Bgy. Bonifacio, Cadiz City nang biglang dumilim ang kalangitan at magsimulang kumidlat at kumulog.

Dahil dito, nagpasiya ang piton a sumilong sa isang kubo ngunit sa kasawiang palad, dito tumama ang isang malakas na kidlat na ikinasawi ng dalawang biktima at ikinasugat ng lima pa nilang kasamahan.

Read more...