Panonood ng ‘porn’ sa cellphone, pwedeng ikasira nito-experts

 

Nagbabala ang isang ‘threat research expert team’ sa posiblidad na masira ang isang cellphone kung palagiang manonood dito ng ‘porn’ o pornography.

Ayon sa babala ng Dell SonicWALL Threats Research Team, isang bagong ‘malware’ o malicious software ang kumakalat ngayon sa internet na nagpapanggap bilang ‘porn app’at nambibiktima ng mga android phone users.

Gayunman, sa oras na mai-download ang naturang app, mala-lock an gang naturang cellphone at hindi na magagamit pa ng may-ari nito.

Bagamat may remedyo upang maalis ang lockscreen, kinakailangan pa ng mahabang proseso bago ito maibalik sa dati.

Ayon kay Alex Dubrovsky,director of software engineering ang threat research ng Dellm, umaabot sa mahigit 100 ‘porn related apps’ ang kanilang natukoy na nagtataglay ng naturang ‘malware’ o virus.

May pangamba rin ang grupo na posibleng ikinakasa pa ng gumawa ng naturang lockscreen malware ang mas malawak at mas malaking cyberattack sa mga susunod na araw.

 

Read more...