Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang sobrang COVID-19 vaccine sa bansa.
Sa ‘Talk to the People,’ Martes ng gabi (April 5), sinabi ng pangulo na binili ng gobyerno ang tamang bilang ng bakuna na kakailanganin ng lahat ng Filipino.
Sadyang mayroon lamang aniyang ilang Filipino na tumatangging magpaturok ng bakuna laban sa nakahahawang sakit.
“The vaccines are here and ready to be utilized. Just in case, a good number of mga Filipinos remaining, refuse to be vaccinated, wala na tayong magawa,” pahayag nito.
Ayon pa sa Punong Ehekutibo, “Nandyan na ‘yan, we will try to maximize the use of the vaccines, especially ‘yung expiry date nila, malapit na. The shelf life ng bakuna is not by years, it’s only by months.”
Kung hindi kasi aniya magagamit, masisira lamang ang bakuna at walang magagawa kundi itapon.
“Kailangan magamit. Ngayon kung hindi magamit at mag-expire, itatapon talaga natin ‘yan,” ani Duterte.
Kasunod nito, sinabi ng maaring magpatupad ang gobyerno ng ‘last-minute program’ kung saan ipapadala ang mga bakuna sa mga bahay.
Babala naman nito, “Kayong mga NPA, huwag niyong barahin ang mga taong aakyat diyan, especially the health workers.”