Resulta ng unang digitalized Bar exam, ilalabas na sa susunod na linggo

Photo credit: SC PIO/Twitter

Ilalabas na ang resulta ng kauna-unahang digitalized Bar examination sa susunod na linggo, ayon sa Supreme Court.

Humiling si SC Associate Justice at 2020-21 Bar Examinations Committee Chairperson Marvic Leonen na magsagawa ng en banc session sa Martes, April 12.

Nakasaad sa pahayag ng SC Public Information Office na ito ay “for the purpose of considering his report on the first-ever digitalized and regionalized Bar Examinations and the release of its results.”

Nakatakda naman ang oath-taking ceremony ng mga makakapasang Bar examinee sa May 2, 2022.

Sinabi ng Supreme Court na iaanunsiyo na lamang ang venue, oras, at iba pang detalye sa naturang seremonya.

Read more...