Nanindigan ang Palasyo ng Malakanyang na dumaan sa due process ang kasong criminal na kinakaharap ni Senador Leila de Lima.
Tugon ito ng Palasyo sa pahayag ni de Lima na paghihiganti lamang ang kasong kanyang kinakaharap dahil sa pagbatikos sa anti-drug war campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan nasa 6,000 suspek na ang napatay.
Ayon kay acting presidential spokesman Martin Andanar, bagama’t iginagalang ng Palasyo ang pahayag ng mga kandidato sa pagka-pangulo, dapat aniyang tandaan na dumaan sa tamang proseso ang kasong kinakaharap ni de Lima.
“While we respect the opinions of the presidentiables who gave their stance on Senator de Lima’s detention, we have to underscore that the senator has been accorded due process in all stages of her criminal prosecution,” pahayag ni Andanar.
Nahaharap sa kasong criminal si de Lima dahil sa umano’y pakikipagsabwatan sa mga nakakulong na drug lord sa New Bilibid Prison.
“Senator Leila de Lima’s latest remarks are spoken in the middle of the campaign season. It is therefore understandable that she wants to get the sympathy vote from the Filipino electorate,” pahayag ni Andanar.
“The rule of law, as President Rodrigo Roa Duterte said on numerous occasions, must always prevail,” dagdag ng kalihim.