MRT-3, muling nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng commuters

Naserbisyuhan ang 315,283 na pasahero sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) noong Lunes, April 4.

Pinakamataas ito simula nang magbalik-operasyon sa rail line noong Hunyo noong taong 2020.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, bunsod ito ng ipinatupad na libreng sakay sa tren at pagpapatakbo ng 18 na 3-car CKD train set at dalawang 4-car CKD train set sa mainline.

Sa tulong nito, nasa 18 hanggang 21 ang average train sets na napapatakbo ng MRT-3 sa main line

Pinataas na rin ang passenger capacity sa bawat tren na kaya nang makapagpasakay ng 1,576 na pasahero kada train set, at 394 na pasahero kada train car.

Tatagal ang libreng sakay sa mga pasahero hanggang April 30, 2022.

Siniguro ng pamunuan ng MRT-3 na mahigpit na ipinatutupad ang minimum public health and safety protocols sa buong rail line.

Read more...