Sinamantala ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inagurasyon ng bagong tulay na Binondo-Intramuros Bridge sa Maynila para iparating sa pamahalaan ng China ang usapin sa Spratly Islands.
Dumalo sa inagurasyon si Chinese Ambassador Huang Xilian.
Nais ding talakayin ng Pangulo sa China ang karapatan ng mga Filipino na makapangisda sa naturang lugar.
“Ambassador Huang, the Philippines and China, we don’t have any quarrel and we can talk about the Spratly Islands and probably the fishing rights of my countrymen, plain talk, nothing else,” pahayag ng Pangulo.
Pinasalamatan ng Pangulo ang China dahil sa pakikipagtulungan nito sa Pilipinas.
Una rito, sinabi ng Pangulo na mayroon siyang nakatakdang pag-uusap sa telepono kay Chinese President Xi Jinping sa Abril 8.
Hindi naman tinukoy ng Pangulo kung anong paksa ang tatalakayin nila ni Xi.