May limang lugar sa National Capital Region (NCR) na walang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na 24 oras.
Sa Twitter, sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na walang bagong COVID-19 case sa Mandaluyong, Muntinlupa, Navotas, San Juan, at Pateros.
Umabot naman sa 82 ang napaulat na bagong kaso ng nakahahawang sakit sa buong Metro Manila noong Lunes, April 4.
Sa nasabing bilang, 14 bagong COVID-19 cases ang naitala sa City of Manila; 13 sa Caloocan City; 12 sa Pasay City; at 11 sa Quezon City.
Narito naman ang napaulat na bagong kaso ng nakahahawang sakit sa mga sumusunod na lugar:
– City of Parañaque (7)
– City of Makati (6)
– City of Malabon (6)
– City of Pasig (5)
– Taguig City (2)
– City of Las Piñas (2)
– City of Valenzuela (2)
– City of Marikina (1)