Isa pang pulis, tinamaan ng COVID-19

May isang pulis na napaulat na nagpositibo sa COVID-19.

Sa datos ng Philippine National Police (PNP) Health Service, umabot na sa 48,861 ang kabuuang bilang ng naitalang COVID-19 cases sa naturang hanay.

Sa nasabing bilang, tatlo ang aktibo pang kaso.

Samantala, walang napaulat na bagong gumaling sa nakahahawang sakit, kung kaya’t nanatili sa 48,729 ang COVID-19 recoveries sa hanay ng pulisya.

Wala ring naitalang nasawi.

Bunsod nito, 129 pa rin ang COVID-19 related deaths sa PNP.

Read more...