Aniya, kahit may pangangailangan upang maghanap ng bagong mapapagkuhanan ng tubig, mahalaga pa rin na maikonsidera ang mga batas at karapatan.
Sinabi ito ni Pangilinan kasabay ng pagkuwestiyon sa pagpirma ng memorandum of agreement para sa pagpapatayo ng P12.2 bilyon halaga ng dam at ang pondo ay uutangin sa China.
Ayon pa sa senador, dapat ay ikinonsidera ang pag-ayaw ng tribung Dumagat-Remontado sa proyekto dahil maaapektuhan sila.
“Kapag sinimulan na ang proyekto, hindi na maibabalik anuman ang masisira sa kapaligiran. The damage will be irreversible. Dapat ding busisiing maigi ang kontrata ng Chinese company na ito para malaman kung patas ang mga probisyon at hindi lugi ang mga Pilipino. Ika nga, the devil is in the details,” dagdag pa nito.
Sasakupin ng 60-meter water reservoir ang 291 ektaryang Kaliwa Watershed Forest reserve, gayundin ang mga komunidad ng mga katutubo sa General Nakar, Quezon hanggang Tanay, Rizal.
Bubutas din ng 28-kilometrong tunnel mula sa dam site sa Barangay Magsaysay sa Infanta, Quezon na babagtas sa mga bayan ng Tanay, Baras, Morong at Teresa sa Rizal.