P400,000 na halaga ng undocumented good lumber, nasabat sa Northern Samar

Nasamsam ng Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine National Police (PNP) ang isang wing van truck na naglalaman ng 7,200 piraso ng undocumented good lumber sa Balwharteco Port, Allen, Northern Samar.

Tinatayang nagkakahalaga ang kontrabando ng P432,000.

Inaresto ng mga awtoridad ang 33-anyos na driver na si Emmanuel Acoba, at mga kasamahang sina Christian Rueles, 25-anyos, at Jeremias Turco, 48-anyos.

Base sa inisyal na imbestigasyon, napag-alamang isang residente ng Northern Samar na si Zetha Eleazar ang may-ari ng naturang kargamento.

Dinala sa Allen Municipal Police Station ang tatlont indibidwal para sa isasagawang karagdagang imbestigasyon dahil sa paglabag sa Section 77 ng Presidential Decree No. 705 (Revised Forestry Code of the Philippines).

Katuwang din sa joint law enforcement operation ang Coast Guard K9 Field Operating Unit Eastern Visayas, Coast Guard Station Northern Samar, at Allen Municipal Police Station.

Read more...