Ipinaliwanag niya na layon ng inihain niyang Senate Bill No. 1228 o ang Mandatory Evacuation Center Act na matiyak na ang mga biktima ng anumang kalamidad ay may masisilungan para sa kanilang kaligtasan.
“When disaster strikes, the Filipinos, especially ‘yung mga underprivileged, suffer. In most instances, this disaster renders their homes unlivable, leaving the victims without roofs. Ibig sabihin nasisira ang mga bahay, marami pong apektado,” aniya.
Katuwiran niya, kadalasan ay hindi nagagamit ang mga paaralan para sa pag-aaral dahil ginawa na itong evacuation centers.
Nais din ni Go na magtatag ng Department of Disaster Resilience.
Kasama si Go nang bisitahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong tayong evacuation center sa Mataas na Kahoy sa Batangas.