Halos 6.18 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.
Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 6,179,303 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 1,008,679.
Sumunod na rito ang Brazil na may 660,381 na pumanaw bunsod ng pandemiya.
Nasa 521,446 naman ang death toll sa India habang 369,995 ang napaulat na nasawi sa Russia.
Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Mexico – 323,235
– Peru – 212,354
– United Kingdom – 165,780
– Italy – 159,909
– Indonesia – 155,349
– France – 142,655
– Iran – 140,368
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 492,859,601 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nasa 428,253,322 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.