Isko Moreno itinanghal na People of the Year ng Peoples Asia

Itinanghal si Aksyon Demokratiko presidential candidate Manila Mayor Isko Moreno bilang 2022 People of the Year ng Peoples Asia.

Ayon kay Moreno, iniaalay niya ang parangal sa kanyang mga magulang at sa mga kapwa manggagawa sa gobyerno na nasawi dahil sa pandemyasa COVID-19.

“Siguro iaalay ko na lang ito, ang award na ito sa nanay ko, sa tatay ko, sumalangit nawa ang kanilang kaluluwa. Sila ay naging simbolo ko na huwag sumuko sa buhay, Hindi nila ako sinukuan. But the thing is hindi sila sumuko, at narito ako sa harapan niyo,” pahayag ni Moreno sa awarding sa Conrad Hotel sa Pasay City.

Binibigyang pagkilala ng 2022 Peoples Asia People of the Year Awards ang mga public servants, business leaders at philanthropists na nagbigay ng inspirasyon sa panahon ng pandemya.

“Inaalay ko rin ito sa aking mga nakasama ko since Day One. They left their families also and stayed with me for three straight months running the city government, the very least, for our people to feel na merong gobyerno sa Lungsod ng Maynila sa kasagsagan ng kalituhan, pangamba at takot,” pahayag ni Moreno.

“And I’m very proud of them, at sumalangit nawa ang ilan sa kanila. They paid the ultimate price, and I share this award to them and their family, those who succumbed from the infection by doing public service, in taking care of others,” dagdag ni Moreno.

Bukod sa 2022 People of the Year Award, itinanghal na rin si Moreno bilang Man of the Year sa 2020 Asia Leaders Award; 2012 Most Outstanding Filipino in the Field of Public Service Award ng Gawad Amerika Foundation; at isa  sa Top Ten Men Who Matter noong 2011 ng People Asia Magazine.

Nagsimula si Moreno bilang isang basurero hanggang sa naging artista, mayor at ngayon ay kandidato sa pagka-pangulo.

 

Read more...