MMDA nagsagawa ng clearing operation

(MMDA photo)

 

Nagsagawa ng clearing operation ang Metro Manila Authority sa Baclaran, Paranaque City.

Ayon kay MMDA General Manager Frisco San Juan, Jr. sa kabila ng malakas na buhos ng ulan, tuloy ang paglilinis saa mga kalsada sa kalakhang Maynila.

Kabilang sa mga tinanggal ng MMDA ang mga sasakya na illegal na nakaparada sa sidewalk.

Ayon kay San Juan, regular ang clearing operations sa mga Mabuhay lanes para magkaroon ng alternatibong ruta ang mga motorsita at umiwas nang dumaan sa kahabaan ng EDSa.

 

 

Read more...